3 Katao, Huli sa Paglalaro ng “Bet Game” sa San Manuel, Isabela

Cauayan City, Isabela- Inaresto ng mga tauhan ng San Manuel Police Station ang tatlong katao na naaktuhang naglalaro ng baraha o “Bet Game” sa Barangay Babanuang, San Manuel, Isabela nitong linggo, Marso 3, 2022.

Ayon sa report ng PNP, pitong (7) iba pa na kasama sa paglalaro ng baraha ang nagawang makatakas naman noong isinagawa ang anti-illegal gambling operation.

Nakuha mula sa mga nahuling suspek ang isang (1) playing card at pera na pantaya na umabot sa kabuuang P550.00.

Nahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 habang inirekomenda naman ng korte ang pansamantalang kalayaan nito kung makakapaglagak ng piyansang nagkakahalaga ng P10,500.

Facebook Comments