Wednesday, June 24, 2026

PNP,PINAIIGTING ANG KAMPANYA LABAN SA LOOSE FIREARMS

Patuloy na pinaigting ng Philippine National Police (PNP) ang kampanya nito laban sa mga hindi rehistrado at iligal na armas.

Ayon sa PNP, ang mga hindi lisensyado, undocumented, at ilegal na pagmamay-ari ng baril ay nagdudulot ng seryosong banta sa kaayusan ng lipunan at maaaring magamit sa iba’t ibang kriminal na gawain, karahasan, at iba pang iligal na aktibidad.

Binigyang-diin ng kapulisan ang kahalagahan ng responsableng pagmamay-ari ng baril, mahigpit na pagsunod sa mga regulasyon, at aktibong pakikilahok ng komunidad upang maiwasan ang mga insidente na may kaugnayan sa armas.

Hinihikayat ng PNP ang lahat ng firearm owners na tiyakin ang tamang pagpaparehistro, pagre-renew ng lisensya, at pagsunod sa umiiral na batas ukol sa pagmamay-ari ng baril.

Ayon pa sa ahensya, ang bawat responsableng hakbang ng mamamayan ay nakatutulong sa pagprotekta ng buhay at pagpapatibay ng seguridad sa komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments