
Patuloy na pinaigting ng Pangasinan Police Provincial Office (PangPPO) ang kanilang kampanya laban sa mga wanted persons matapos maaresto ang isang Municipal Level Top 10 Most Wanted Person sa Mangatarem, Pangasinan.
Ayon sa ulat, noong Hunyo 23, 2026, inaresto ng mga tauhan ng Mangatarem Municipal Police Station ang isang 61 anyos na lalaki na kabilang sa listahan ng Most Wanted Persons sa municipal level.
Isinilbi ang warrant of arrest laban sa suspek kaugnay ng kasong Illegal Possession of Explosives, na may inirekomendang piyansa na ₱100,000.
Dinala sa himpilan ng pulisya ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.
Ayon sa Pangasinan PPO, ang naturang operasyon ay bahagi ng kanilang patuloy na kampanya at pinaigting na manhunt operations laban sa mga wanted persons sa lalawigan upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









