3 paaralan sa Taguig, binulabog ng bomb threat sa maghapon

Kinumpirma ng Taguig police na tatlong bomb threats ang natanggap ng tatlong paaralan sa Taguig sa maghapon na ito.

Ayon kay PCol. Robert Baesa, kabilang sa mga nakatanggap ng bomb threat ay University of Makati o UMak, Bonifacio Elementary School at ang West Rembo Elementary School.

Agad naman aniyang naisagawa ang paneling ng mga tauhan ng explosive ordnance division o EOD ng Southern Police District sa mga nasabing bomb threat kung saan negatibo naman sa bomba.


Nilinaw naman ng opisyal na sa ngayon ay hindi pa nila maikonekta kung galing din sa e-mail ang bomb threat at patuloy pa itong iniimbestigahan.

Facebook Comments