3 Positibo sa COVID-19, Pumanaw; 43 Bagong Kaso, Naitala sa Region 2

Cauayan City, Isabela- Tatlong (3) COVID-19 patient ang binawian ng buhay na naitala sa buong rehiyon dos at nadagdagan rin ng 43 na panibagong positibong kaso.

Sa pinakahuling tala ng Department of Health (DOH) Region 2, ang tatlong naitalang COVID-19 death cases ay mula sa probinsya ng Cagayan (1), Isabela (1) at Nueva Vizcaya (1).

Ang 43 na bagong positibong kaso ay naitala sa probinsya ng Batanes (1), Cagayan (16), Isabela (16), at Nueva Vizcaya (10).


Pero, gumaling naman sa COVID-19 ang sampung (10) nagpositibo na kinabibilangan ng dalawang (2) pasyente sa Cagayan, anim (6) sa Isabela, isa (1) sa Santiago City at isa (1) sa probinsya ng Quirino.

Dahil dito, umakyat na sa 569 ang total active cases ng COVID-19 sa buong Lambak ng Cagayan na nagdadala sa total confirmed cases na 4, 306 at 67 na total deaths.

Facebook Comments