3 Suspek sa Kasong Panggagahasa, Arestado

31

Cauayan City, Isabela- Bumagsak na sa kamay ng mga alagad ng batas ang tatlong (3) suspek na may kasong panggagahasa sa bisa ng warrant of arrest na isinilbi ng mga kapulisan sa magkakahiwalay na bayan sa lambak ng Cagayan *.*

Nahuli ng Cagayan Police Provincial Office ang akusado na si Jerry Damasco, 54 taong gulang, walang asawa, residente ng Barangay Bangag, Aparri, Cagayan at itinuturing na Top 7 Most Wanted Person ng nasabing Lalawigan.


Si Damasco ay nahaharap sa kasong Rape na may kaugnayan sa Republic Act 7610 o Anti-Child Abuse Law.

Samantala, timbog rin ng mga alagad ng batas ng Quirino Police Provincial Office sina Ignacio Hidalgo, 63 taong gulang, may asawa, magsasaka, residente ng Barangay Gomez, Cabarroguis, Quirino at Santos Lawek, 26 taong gulang, walang asawa, construction worker at residente naman ng Barangay Cabaruan, Maddela, Quirino.

Si Hidalgo ay pang Top 8 most wanted person sa Quirino habang si Lawek naman ay Top 9 most wanted person ng lalawigan.

Ang dalawa ay parehong kinasuhan ng paglabag sa Republic Act 8353 o Anti-Rape Law of 1997.



Nasa kustodiya na rin ng pulisya ang tatlong akusado at anumang araw ay ipapasakamay sa court of origin.

Facebook Comments