Tuesday, April 21, 2026

Pinay caregiver na nasawi sa missile attack sa Israel, kabilang na sa mga pangalang nakaukit sa memorial sa Tel Aviv

Kabilang na sa mga pangalang nakaukit sa memorial sa Tel Aviv ang Filipina caregiver nasawi sa missile attack sa Israel nitong Marso.

Kasama ni Tel Aviv Mayor Ron Huldai si Philippine Ambassador Aileen Mendiola sa pag-alay ng bulaklak sa official memorial ni Mary Ann de Vera , gayundin ang Filipino community sa Israel.

Alas 8:00 kagabi ,April 20 , nang tumunog ang sirena bilang hudyat ng pagsisimula ng Yom HaZikaron, ang national day of remembrance para sa mga namayapang sundalo at sibilyan sa nangyaring giyera sa Gitnang Silangan.

Ang Pinay na si Mary Anne De Vera ay nasawi nitong March 1 nang tamaan ng missile habang inililipat nito sa bomb shelter ang kanyang inaalagaan na Israeli.

Siya ang kauna-unahang Pilipino na nasawi sa tensyon sa Middle East.

Facebook Comments