₱5,000 AYUDA, IPINAMAHAGI SA 523 MIYEMBRO NG TODA SA MAPANDAN

Umabot sa 523 miyembro ng Mapandan Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) ang nabigyan na ng tig-₱5,000 cash relief assistance ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Mapandan, Pangasinan noong Abril 20, 2026.

Ito parin ay bahagi ng rollout ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS), kung saan nauna nang nabigyan ang tinatayang 12,600 tricycle drivers mula sa apat na lungsod ng Pangasinan.

Ayon sa tala, umaabot na sa mahigit 24,000 drivers ang nakinabang sa programa sa buong rehiyon.
Malaki umanong bahagi ng kita ng mga tsuper ang napupunta na lamang sa fuel expenses dahilan ng rollout.

Iginiit ng DSWD na magpapatuloy ang pamamahagi ng ayuda sa iba pang lugar upang matiyak na mas marami pang tsuper ang matulungan, lalo na sa mga probinsya.

Facebook Comments