Tuesday, April 21, 2026

HIGH-VALUE TARGET, ARESTADO SA CABA, LA UNION; SHABU AT MGA BARIL, NASAMSAM

Arestado ang isang itinuturing na High-Value Target (HVT) matapos ang isinagawang search warrant operation ng mga awtoridad sa Brgy. Santiago Sur.

‎Sa ulat ng La Union Police Provincial Office (LUPPO), nagresulta ang operasyon sa pagkakasamsam ng tinatayang isang gramo ng hinihinalang shabu na may halagang humigit-kumulang ₱6,800, bukod pa sa iba’t ibang uri ng baril at mga bala.

‎Kinilala ang suspek bilang isang 42 anyos na lalaki at residente ng nasabing lugar. Ayon sa pulisya, kabilang siya sa listahan ng High-Value Targets ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

‎Sa kasalukuyan, nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, gayundin sa Republic Act 10591 o Illegal Possession of Firearms and Ammunition. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments