30 kasong kriminal at administratibo kontra importers at Customs brokers, inihain ng BOC

45

Naghain ng 30 kriminal at administrative cases ang Bureau of Customs (BOC) laban sa ilang importer at Customs broker na lumabag sa batas at regulasyon ng customs.

Naisampa ang mga kaso ng Revenue Collection Monitoring Group (RCMG), sa pamamagitan ng Action Team Against Smugglers (BATAS) ng Legal Service ng ahensya.

Sa kabuuan ay nakapaghain ng 24 criminal cases ang BOC laban sa 73 indibidwal sa gitna ng ikinakasang anti-smuggling efforts ng ahensya.


Nagsampa rin ng anim na kasong administratibo ang ahensya laban sa ilang lisensyadong customs brokers sa Professional Regulation Commission (PRC).

Nabatid na aabot sa P160.4 milyon ang halaga ng mga kasong may kinalaman sa ilegal na importasyon ng sigarilyo; P131.4 milyon sa agricultural products; P49.4 milyon sa motor vehicles; P7.7 milyong sa general merchandise; at P7.2 milyon sa iba pang kalakal.

Nangako naman ang BOC na ipagpapatuloy nito ang kampanya laban sa smuggling.



Facebook Comments