COMELEC, blangko pa sa pagkukunan ng pondo para sa huling yugto ng presidential at vice presidential debate

72

Blangko pa ang Commission on Election (COMELEC) sa pagkukunan ng pondo para sa debate sa hanay ng presidentiables at vice-presidentiables.

Sinabi ni COMELEC Commissioner George Garcia na paplantsahin pa kung sino ang gagastos sa pagdaraos ng debate pero ang makatutuwang aniya ng poll body ay ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas.

Mahigpit naman ang posisyon ni COMELEC Commissioner Rey Bulay na bawal gumastos ang COMELEC para sa pagdaraos ng debate.


Nilinaw naman ni Garcia na walang problema sa pagitan nila ng management ng Sofitel Hotel na unang pinagdausan ng mga debate.

Nauunawaan din aniya nila ang posisyon ng Sofitel sa paghahabol ng bayad ng Impact Hub na nasa likod ng PiliPinas debate.

Facebook Comments