
Puno na ng daan-daang raliyista mula sa iba’t ibang grupo sa sektor ng kalusugan, edukasyon, manggagawa, mga katutubo, kababaihan at iba ang kahabaan ng Commonwealth Avenue, Quezon City ngayong Lunes, July 27 kasabay ng SONA ng pangulo 2026.
Habang naghahanda para sa ikakasa rin nilang SONA ng Bayan 2026, pansamantalang kanya-kanyang nagkilos-protesta muna ang mga grupo dito sa gilid ng kalsada.
Kabilang sa ipinananawagan ng mga grupo ay ang gawing libre ang serbisyong pangkalusugan, taasan ang sweldo ng mga mga nurse, at mula sa P2,000 ay gawing P7,000 ang economic relief Allowance.
Dagdag pa rito, inihihirit din ng mga grupo ang pagbasura sa Pax Silica, at ang pagtatanggal sa 12% VAT sa gamot, pababain ang presyo ng mga bilihin, at panawagan para sa tunay na reporma sa lupa, at ang paggamit ng pondo sa edukasyon imbes na sa kurapsyon.
Samantala, bantay sarado naman ng kapulisan ang nasabing area, habang bahagya namang bumagal ang daloy ng mga sasakyan sa bahaging ito ng Feria sa Commonwealth Avenue dahil apat na lane na ang nasakop ng mga raliyista, idagdah pa ang bike lane.










