
Suportado ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang plano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magtayo ng spaceport at maglunsad ng rocket sa 2027, susunod na taon.
Ito ay kasunod nang paganunsyo nito ng pangulo sa kanyang SONA kung saan isasagawa ang test launch sa Cagayan.
Ayon kay AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, ang nasabing plano ng Pangulo ay nakaayon sa modernization program ng AFP at sa mga nagpapatuloy nitong inisyatiba.
Dagdag pa ni Padilla, makatutulong ito sa pagpapalakas ng national defense, disaster response at maritime security ng bansa
Nabatid na una nang ibinahagi ni dating AFP Chief of Staff Romeo Brawner Jr.na bubuo ng space command ang militar base sa napagusapan din nila noon ng Pangulo nang sila ay nagpulong sa Camp Aguinaldo.
Tiniyak naman ng AFP na patuloy silang makikipagugnayan sa Philippine Space Agency at Department of Science and Technology para sa nasabing proyekto.










