
Ipinag-utos ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla ang pagbabalik-operasyon ng kanilang mga tanggapan sa Davao City at Cagayan de Oro City simula bukas June 11, 2026.
Kasunod ito ng isinagawang structural integrity inspection ng quick assessment team ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa mga gusali ng Ombudsman matapos ang magnitude 7.8 na lindol sa ilang bahagi ng Mindanao noong Lunes.
Batay sa paunang pagsusuri ng DPWH, ligtas ang mga gusali ng Ombudsman kaya pwede nang magbalik sa regular na trabaho ang mga empleyado nito.
Nauna nang nagbalik-operasyon ngayong araw ang mga complaint center ng Ombudsman sa Jolo at Zamboanga.
Facebook Comments










