
Tiniyak ng Office of the Vice President (OVP) na activated na rin ang kanilang disaster preparedness at response measures para sa Typhoon Inday.
Kabilang dito ang relief goods at essential resources na naka-preposition na sa iba’t ibang lugar na maaaring maapektuhan ng bagyo.
Nag-deploy na rin ang OVP Disaster Operations Center (DOC) ng humanitarian assistance at emergency support sa mga nangangailangan na komunidad.
Habang ang OVP Eastern Visayas Satellite Office, Cagayan Valley Satellite Office, at Bicol Satellite Office ay inilagay na rin sa heightened readiness para sa pakikipagtulungan sa local government units at partner agencies para mapabilis ang pagresponde sa kalamidad.
Facebook Comments










