Thursday, July 9, 2026

Public consultation sa minimum wage adjustment sa CALABARZON, isinagawa ngayong Huwebes

Isinasagawa ngayong araw ang public consultation ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) sa CALABARZON para sa magiging dagdag sahod sa rehiyon.

Ayon sa regional wage board, mahalaga ang partisipasyon ng publiko dito para makakuha sila ng mga pananaw, concerns, at rekomendasyon kaugnay sa minimum wage adjustment.

Sa kasalukuyan, naglalaro sa P508-600 ang arawang sahod ng minimum wage earners sa mga rehiyon ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon (CALABARZON).

Ito ay matapos ang pinakahuling wage hike na ipinatupad sa dalawang bugso noong October 2025 at nitong buwan ng Abril.

Facebook Comments