Friday, July 10, 2026

Malacañang, hinimok ang publiko na bantayan ang impeachment trial ni VP Sara

Hinikayat ng Malacañang ang publiko na tutukan ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte at sila mismo ang magpasya batay sa mga ebidensyang inilalabas sa pagdinig.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, hindi trabaho ng Ehekutibo na husgahan o suriin ang takbo ng impeachment trial dahil nasa Senado ang proseso.

Sinabi ni Castro na mas mabuting ang taumbayan ang mag-obserba at bumuo ng sariling pagsusuri sa mga nangyayari sa pagdinig.

Iginiit din ng Palasyo na ang tanging hiling ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay masunod ang batas at due process sa impeachment trial.

Sa ngayon, ayon sa Malacañang, maayos naman ang takbo ng mga pagdinig sa Senado.

Facebook Comments