39 na aftershocks, naitala ng PHIVOLCS kaugnay ng 6.3 na lindol sa Calatagan, Batangas

Patuloy na nakakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng aftershocks sa ilang bahagi ng Batangas kasunod ng tumamang magnitude 6.3 na lindol sa lalawigan.

Batay sa monitoring ng PHIVOLCS-DOST, hanggang kaninang alas-12:00 ng tanghali ay mayroon nang 39 na aftershocks ang naitala.

Mula rito, 18 ang plotted earthquakes o natukoy ng tatlo o higit pang istasyon habang wala namang may kalakasang pagyanig ang naramdaman ng mga residente.


Ang mga naitalang aftershock ay may lakas na mula magnitude 1.4 hanggang 3.1.

Facebook Comments