Monday, June 1, 2026

Mga benepisyaryo ng 4PS, hindi totoong umaasa lang sa tulong pinansyal ng DSWD —Sec. Rex Gatchalian

Tumulong ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4PS sa Brigada Eskwela ngayong Lunes, June 1 sa General Licerio Integrated High School, Quezon City.

Ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian, ito umano ang pamaraan ng mga benepisyaryo ng programa para magpasalamat sa mga tulong na kanilang natatanggap mula sa taumbayan.

Dagdag pa dito, hindi rin umano totoo na umaasa lang ang mga benepisyaryo ng programa sa tulong pinansyal mula sa taumbayan.

Samantala, aabot sa 800 na pamilya ang benepisyaryo ng 4Ps sa Barangay Bagong Silangan, Quezon City na tumutulong sa Brigada Eskwela, habang 3 Million naman sa buong bansa.

Maliban kay Sec. Gatchalian, dumalo rin sa nasabing event si Assistant Secretary Irene Dumlao, at iba pang kawani ng departamento.

Facebook Comments