Monday, June 1, 2026

4.8 million Family Food Packs, nakahanda sa mga warehouse ng DSWD sa buong bansa — DSWD

Nakahanda ang aabot sa 4.8 million na Family Food Packs sa 1-K warehouse sa buong bansa para sa mga kalamidad na posibleng maranasan ng mga Pilipino gaya ng El Niño at mga bagyo.

Ayon kay Department of Social Welfare and Development o DSWD Secretary Rex Gatchalian, mas malaking bilang ito kumpara sa 3 million na naihanda noong nakaraang taon, habang naitala rin ito bilang pinakamalaking bilang ng stockpile sa history ng departamento.

Ayon sa kalihim, buong taon naghahanda ang kanilang mga tauhan sa warehouse, partikular sa pag-iimbak ng mga family food packs, non-food items, at mag-train ng mga local government unit (LGU) sa kung ano ang mga dapat at hindi dapat gawin sa mga pre-emptive evacuation center, may kalamidad man o wala.

Wala rin umanong dapat na ipag-alala sa expiration date dahil 3 buwan bago ang-expiration date ng mga family food packs ay nalalaman na nila ito agad sa tulong ng bar coding.

Samantala, patuloy pa umano ang pagpapadami ng warehouse ng DSWD sa buong bansa para makapag-imbak ng 4.9 Million hanggang 5 Million Family Food Packs bilang paghahanda sa maliliit at malalaking sakuna sa bansa.

Facebook Comments