Monday, June 1, 2026

Halos 400 estudyante, makikinabang sa mga handog ng RMN Foundation kasabay ng Ligtas Eskuwela Project sa Tagalag Elementary School sa Valenzuela

Nasa 380 na mga estudyante ang makikinabang sa handog ng RMN Network sa Ligtas Eskwela: Back-to-School Project” na ginanap sa Tagalag Elementary School sa Valenzuela.

Kasama na rito ang feeding program at ang matatanggap nilang mga hygiene kits.

Ayon kay Tagalag Elementary School Principal 1 Marites Alipio Torres, malaking tulong din ang classroom repainting at cleaning para maging maaliwalas ang kanilang silid-aralan.

Nagpasalamat naman ito sa lahat ng tumulong para maisakatuparan ang programa na hatid ng RMN Foundation, iFM 93.9 Manila at DZXL News Manila.

Facebook Comments