Thursday, August 20, 2026

39 na lugar sa Metro Manila, gagawing underground water facilities bilang dagdag solusyon sa baha

Itinutulak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagtatayo ng underground water storage facilities o mga cistern bilang dagdag na solusyon sa pagbaha sa Metro Manila.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, nasa 39 na site na ang tinutukoy ng pamahalaan na maaaring paglagyan ng rainwater cisterns.

Kabilang dito ang Rajah Sulayman, Rizal Memorial, Camp Aguinaldo, at University of Santo Tomas (UST).

Kasama ang Dutch engineering firm na Haskoning, pinag-aaralan kung paano magagamit ang mga existing facility at open spaces bilang pansamantalang imbakan ng tubig-ulan.

Kabilang din sa pinag-aaralan ang UP Sunken Garden na maaaring palalimin bilang catchment area.

Nais ng Pangulo na hindi lamang maibomba palabas ang maiipong tubig, kundi mapakinabangan ito sa panahon ng tagtuyot.

Inaasahang matatapos ngayong buwan ang detailed engineering ng proyekto bago simulan ang paghuhukay.

Facebook Comments