
Tiniyak ng Malacañang na sapat ang pondo ng pamahalaan para maipagpatuloy ang pamamahagi ng libreng bigas hanggang sa katapusan ng taon.
Ayon kay Executive Secretary Ralph Recto, may ₱57.87 bilyong pondo ngayong taon para sa Local Government Support Fund (LGSF), na ginagamit din sa programa.
Sampung kilo ng bigas ang matatanggap ng mga benepisyaryo kada dalawang buwan, kaya hindi ito isang beses lang na ayuda.
Sinabi ni Recto na malinaw ang bilin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na walang pamilyang Pilipino ang dapat magutom.
Maaari ring makinabang ang mga magsasaka dahil sa kanila bibilhin ng gobyerno ang bigas na ipapamahagi.
Pinapayuhan naman ang mga lokal na pamahalaan na kumpletuhin ang requirements para agad mailabas ang pondong nakalaan sa kanilang mga proyekto.










