
Sa pinakahuling tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), aabot na sa mahigit 5 milyong indibidwal o katumbas ng 1.4 milyong pamilya ang naiulat na naapektuhan ng pinagsamang epekto ng mga bagyo at ng Southwest Moonsoon o ng Hanging Habagat.
Ito ay mula sa Region I, II, III, V, VI, IX, CALABARZON, CAR, NCR at MIMAROPA.
Kung saan nasa 24,000 na mga indibidwal ang naiulat na nananatili sa loob ng mga itinalagang evacuation centers sa bansa.
Kaugnay nito, nasa mahigit 1,800 na mga kabahayan ang naiulat na nasira dulot ng nasabing sama ng panahon.
Samantala, nasa mahigit P3.4 billion na ang halaga ng naiulat na nasira sa imprastraktura habang nasa halos P690,000 naman ang halaga ng nasira naman sa agrikultura.
Facebook Comments










