
Siniguro ng acting president at Chief Executive Officer (CEO) ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na si Dr. Beverly Lorraine C. Ho na ipagpapatuloy niya ang mga programa ng korporasyon sa ilalim ng Unified National Agenda for Health.
Ayon kay Ho, gagamitin niya ang kanyang malawak na kaalaman sa public health, health systems strengthening, at universal health para magampanan nang maayos ang kanyang trabaho.
Nais ni Ho na maabot ng mga programa ng PhilHealth ang mga taong labis na nangangailangan nito.
Kaya naman ang kanilang trabaho ngayon ay siguruhing maipagpapatuloy ang pag-unlad sa pamamagitan ng pagdadagdag ng access points, pagpapaganda sa mga benefit package, at siguruhing bawat miyembro ay makakatanggap ng quality care.
Sa ilalim ng panunungkulan ni Ho, muling tiniyak ng PhilHealth ang kanilang commitment na maghatid ng makabuluhang health protection sa bawat Pilipino sa pamamagitan ng mas pinalakas na collaboration, continuous improvement, at responsive public service.
Bilang bagong acting President at CEO ng PhilHealth, may malawak na umano siyang karanasan sa public health, pagpapalakas ng health systems, at pagpapatupad ng Universal Health Care (UHC).
Kabilang daw sa mga prayoridad ng ahensya ang pagpapalawak ng Yaman ng Kalusugan (YAKAP) program sa mga paaralan at workplace, pagpapatibay ng provider payment mechanisms, data analytics at sharing, at performance managementayon sa inanunsyong pahayag ng ahensya nitong Agosto 20, 2026.
Pinalitan ni Ho na Assistant Secretary ng Department of Health (DOH) si Dr. Edwin Mercado, na naitalaga bagong Health secretary.
Samantala, inanunsiyo rin ng PhilHealth angdesignation ni Dr. Alfred Philip “AP” De Dios, kasalukuyang Vice President ng Quality Assurance Group, bilang bagong tagapagsalita ng korporasyon.










