Friday, May 1, 2026

Paghina ng piso kontra dolyar, dinepensahan ng Malacañang

Nilinaw ng Malacañang na humihina ang piso dahil sa lakas ng US dollar at pagtaas ng presyo ng langis sa mundo.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, kapag lumalakas ang dolyar, mas maraming puhunan ang napupunta sa Amerika kaysa sa mga bansang tulad ng Pilipinas.

Kasabay nito, tumataas din ang pangangailangan ng bansa sa dolyar dahil sa pag-angkat ng langis.

Dahil dito, mas maraming naghahanap ng dolyar kaysa sa pumapasok na kita ng bansa kaya humihina ang piso.

Sinabi naman ng Malacañang na ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang bahalang panatilihing stable ang halaga ng piso gamit ang mga hakbang tulad ng pag-adjust ng interest rates at paggamit ng reserbang dolyar.

Facebook Comments