Kapatid ni Nadine Lustre, nag-suicide?

7522

Manila, Philippines – Nagpatiwakal umano ang 16-anyos na si Isaiah Lustre na kapatid ng aktres na si Nadine Lustre.

Sa ulat ng Quezon City Police District, dalawang putok ng baril ang umalingawngaw sa bahay ng pamilya Lustre sa Silvina Village, Barangay Talipapa, sa lungsod ng Quezon.

Ayon sa kapatid ni Nadine na si Naomi, naglalaro sila ng ipad nang nakarinig sila ng dalawang magkasunod na putok ng baril.

Natunton ni Naomi ang pinanggalingan ng putok sa kwarto ni Isaiah kung saan tumambad sa kanya ang duguang katawan ng kanyang kapatid.

Sa tulong ng isa pang kapatid na si Ezekiel at mga kapitbahay, dinala sa Pacific Global Medical Center si Isaiah pero idineklara itong patay bandang alas nueve ng gabi.

Narekober mula sa pinangyarihan ng insidente ang kalibre trentay otsong baril na ginamit ng binata sa pagbaril sa sarili.

Tumanggi na ang pamilya Lustre na isailalim pa sa autopsy ang katawan ng anak at naniniwala silang walang foul play sa naturang insidente.

Facebook Comments