Lumaya sa korapsyon, drama sa politika at bayarin, yan ang ilan sa nais umanong makamit ng mga Pangasinense para sa bansa; ibang klase ng pagturing sa Kalayaan ngayong ipinagdiriwang ang ika-128 Independence Day ng Pilipinas.
Si Russel Carino, isang BA Communication student, nais umanong makalaya ang bansa mula sa korapsyon. Sa dami umano ng nangyayari, Karapatan umano ng mga Pilipino na mabigyan ng nararapat na mga programa at interbensyon tungo sa kaunlaran.
Makalaya naman sa babayarin ang nais ni Craig Hortaleza, isang university instructor.
Ilan lamang ito sa nais na paglaya ng ilan sa ating mga Pilipino bagay na mahalaga umanong mapakinggan ngayong ipinagdiriwang ang Araw ng Kalayaan sa Pilipinas.
Umaasa ang maraming Pilipino na hindi lamang pagkilala sa ating mga bayani at pakikipaglaban ng mga Pilipino sa tinatamasa nating ngayong Kalayaan ang alalahanin ngunit pati rin ang mga laganap na sitwasyong dinaranas ng iba’t-ibang sektor ng komunidad na tila nakakulong pa rin sa kakulangan ng oportunidad at lubog pa rin sa bayarin.
Sa kabila nito, alalahanin pa rin natin ang sakripisyo ng mga bayaning Pilipino at sa pagsusulong ng mga pagpapahalagang tulad ng kalayaan, pagkakaisa, at pagmamahal sa bayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










