
Pinawi ni acting Senate President Sherwin Gatchalian ang pangamba ng mga empleyado na hindi matanggap ang sweldo dahil sa girian sa liderato sa Mataas na Kapulungan.
Tiniyak ni Gatchalian na may matatanggap na sweldo ang mga empleyado bukas.
Sinabi ni Gatchalian na nakausap niya ang Landbank of the Philippines (LBP) ngayon at nai-transfer na ang kaniyang signature para sa iba’t ibang expenses ng Senado kasama na ang sahod ng mga empleyado.
Mayroon na rin silang automatic debit arrangement (ADA) sa LBP at pumirma na rin siya ng tseke para sa incentives, allowances at benefits ng mga Senate employees.
Matatanggap din ang maintenance and other operating expenses (MOOE) ng mga senador at committees sa Senado.
Walong empleyado na para sa promotion ang naaksyunan na rin ni Gatchalian na mas maaga kumpara sa target.










