Nakiisa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan, sa pamumuno ni Governor Ramon Guico III, sa implementasyon ng Bawat Bayan Makikinabang o BBM Rice DistributionProgram ng national government.
Isinagawa ang pamamahagi ng bigas sa Calasiao Sports Complex, na pinangunahan nina Cabinet Secretary Benhur Abalos Jr. at OES Undersecretary Facundo Palafox IV, kasama sina Deputy Speaker at 3rd District Congresswoman Rachel Arenas, Calasiao Mayor Patrick Camarat at Vice Mayor Kevin Roy Macanlalay.
Umabot sa 4,308 benepisyaryo mula sa Calasiao ang nakatanggap ng tig-20 kilos na bigas.
Kabilang sa mga benepisyaryo ang senior citizens, persons with disabilities o PWDs, Civilian Volunteer Organizations o CVOs, child welfare workers, barangay secretaries at treasurers, mga medical personnel, canteen workers at iba pang kwalipikadong benepisyaryo.
Sa pakikiisa ng pamahalaang panlalawigan, national government at lokal na pamahalaan, patuloy na naihahatid ang mga programa at serbisyo ng pamahalaan nang mas malapit sa mga komunidad at sa mga mamamayang kabilang sa mga benepisyaryo. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
###










