DISTRIBUSYON NG MASUSTANSYANG PAGKAIN PARA SA SUPPLEMENTARY FEEDING PROGRAM NG DSWD, ISINAGAWA SA BAYAMBANG

Nagsagawa ng pamamahagi ng mga masustansyang pagkain para sa lahat ng Child Development Centers sa ilalim ng Supplementary Feeding Program ng Department of Social Welfare and Development o DSWD sa Bayambang, Pangasinan.

Isinagawa ang aktibidad noong Nobyembre 20, 2026, sa Pavilion I, St. Vincent Ferrer Prayer Park.

Sa ilalim ng programa, layon nitong matiyak ang pagkakaroon ng sapat at masustansyang pagkain para sa mga batang benepisyaryo sa mga Child Development Centers, bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng wastong nutrisyon at kalusugan ng mga kabataan.

Sa pamamagitan ng programang ito, inaasahang masusuportahan ang paglaki at pag-unlad ng mga bata, gayundin ang pagpapaigting ng mga hakbang upang maiwasan ang malnutrisyon sa komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments