283 MAGSASAKA SA SANTO TOMAS, NAKATANGGAP NG BINHI AT ABONO BILANG DAGDAG SUPORTA

Dagdag-suporta sa produksyon at kabuhayan ang natanggap ng 283 magsasaka mula sa iba’t ibang barangay sa Santo Tomas, Pangasinan matapos mabigyan ng corn seeds at abono mula sa Department of Agriculture.

Isinagawa ang pamamahagi sa pamamagitan ng Santo Tomas Municipal Agriculture Office bilang bahagi ng tulong para mapalakas ang pagtatanim ng mga benepisyaryo at makatulong sa kanilang paghahanda para sa susunod na ani.

Samantala, patuloy na hinihikayat ng Lokal na Pamahalaan ng Santo Tomas ang iba pang mga magsasaka na magpatala sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture o RSBA.

Layunin nitong matukoy at mairehistro ang mga magsasaka upang mas marami sa kanila ang magkaroon ng pagkakataong makinabang sa mga programa at suportang pang-agrikultura ng pamahalaan.

Para sa mga benepisyaryo, malaking dagdag sa kanilang kabuhayan ang natanggap na binhi at abono, lalo na sa patuloy na pagtutok sa pagpapalago ng kanilang mga pananim at produksyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments