Umabot sa 43°c ang heat index sa Dagupan City ngayong Martes, November 3, 2026, ayon sa ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA Dagupan.
Dahil dito, pinapayuhan ang publiko na mag-ingat sa matinding init ng panahon dahil maaari itong magdulot ng heat cramps at heat exhaustion, partikular sa mga taong matagal na nakabilad sa araw.
Nagbabala rin na posibleng mauwi sa heat stroke ang matinding pisikal na aktibidad sa ilalim ng mataas na temperatura.
Kaugnay nito, pinapayuhan ang mga residente na iwasan ang matagal na pagbibilad sa araw, uminom ng sapat na tubig,cmagsuot ng magaan at preskong damit, at hangga’t maaari ay manatili sa malamig o maaliwalas na lugar. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










