LALAKI, ARESTADO SA UMANO’Y PANGGAGAHASA SA ISANG MENOR DE EDAD

Timbog ang isang 33 anyos na lalaki na suspek sa panggagahasa sa 14 anyos na menor de edad sa ikinasang manhunt operation sa Brgy. Santiago, Bauang La Union.

Ayon sa imbestigasyon, nahaharap umano ang suspek sa 2 counts ng rape matapos gahasin ang bktimang menor de edad noong 2021 at nabuntis dahil sa panghahalay.

Sa bisa ng warrant of arrest, naaresto ang suspek at haharap sa kaukulang kaso. Nasa kustodiya na ng awtoridad ang suspek para sa tamang disposisyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments