Saturday, October 24, 2026

Digital forensic sa mga ebidensya sa shooting incident sa Zamboanga City, ikinasa na ng PNP

Ikinasa na ng Philippine National Police (PNP) ang digital forensic sa mga ebidensya kaugnay ng nangyaring shooting incident sa loob ng isang pribadong paaralan sa Zamboanga, City.

Ayon kay PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., i-examine nila ng mabuti ang cellphone at iba pang digital na ebidensya sa nasabing insidente at hindi sila magbibigay ng konklusyon hanggat hindi pa natatapos ang imbestigasyon.

Aniya, tinitingnan ng PNP kung meron mang nauna nang insidente ukol dito, banta o warning signs na kinasasangkutan ng nasabing Child in Conflict with the Law (CICL) na shooter.

Dagdag pa ni Nartatez, tinitingnan na rin nila ang aktibidad online ng nasabing menor de edad kasama na rito ang posibleng involment nito sa online games o iba pang digital platforms para matukoy kung ang mga ito ay may koneksyon sa nasabing insidente.

Sinusuri na rin ng mga imbestigador kung planado ng suspek ang livestream at kung may iba pang indibidwal na sangkot sa pamamahagi ng nasabing footage.

Facebook Comments