4,700 mga pulis, naka-deploy na sa Caraga para sa seguridad ngayong Semana Santa

19

Butuan, Philippines – Ipinakalat na ng Police Regional Office 13 ang nasa 4,700 pulis sa buong Caraga region, para magbigay seguridad sa publiko ngayong Holy Week.

Ayon kay PNP Caraga Regional Director Pcsupt. Rolando Felix, kasama sa mga nakadeploy ngayon ang mga pulis na naka-civilian clothes, na magpapatrolya sa palengke, malls, simbahan, terminal at mga tourist destinations.

Nilinaw ng opisyal na walang specific threat sa Caraga katulad sa nangyari sa Bohol kahapon.

Pero handa naman daw ang kapulisan at ang militar sa rehiyon para i-secure ang mga lugar kasama na rito ang mga coastal areas at mga entry point sa rehiyon.

Facebook Comments