
Naaresto ng mga operatiba ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP – HPG) sa magkahiwalay na manhunt operations ang dalawang wanted persons sa Pampanga.
Sa Mabalacat City, naaresto ang isang 38 taong gulang na lalaki at isang call center agent para sa warrant of arrest sa kasong Estafa na may rekomendang pyansa na 36 thousand pesos.
Sa Mexico naman naaresto ang isang 54 taong gulang na lalaki para naman sa warrant of arrest sa kasong Theft na may rekomenda ring pyansa na P36,000 thousand.
Napag-alaman din na ang nasabing suspek ay may nakabinbin pang mga warrants para pa rin sa kasong Theft na inisyu ng korte ng Makati City, Mandaluyong City, at Balanga City, Bataan.
Kaugnay nito, ang dalawang nasabing mga naarestong indibdwal ay nasa kustodiya ng kanilang mga kaukulang operating units para sa dokumentasyon habang hinihinantay ang return ng warrants of arrest sa nagisyung mga korte.










