Friday, November 6, 2026

48 CUSTOMIZED WHEELCHAIRS AT IBA PANG ASSISTIVE DEVICES, IPINAMAHAGI SA MGA PWD SA PANGASINAN

Ipinamahagi ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan ang 48 customized wheelchairs at iba pang kagamitang pantulong sa mga kwalipikadong Persons with Disabilities o PWD mula sa 5th at 6th Congressional Districts.

Pinangunahan ang pamamahagi ng Provincial Disability Affairs Office o PDAO, ang Department of Health – Ilocos Training and Rehabilitation Medical Center o DOH-ITRMC, at The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints Charities.

Bago matanggap ang mga kagamitan, sumailalim muna sa assessment ang mga benepisyaryo noong Hulyo 2026 upang matiyak na angkop ang disenyo at sukat ng mga customized wheelchair sa kanilang pisikal na kondisyon at pangangailangan.

Inaasahang makatutulong ang mga ipinamahaging kagamitan upang mapadali ang pagkilos ng mga benepisyaryo, mapalawak ang kanilang kakayahang mamuhay nang mas malaya, at mahikayat silang aktibong makilahok sa mga aktibidad sa kanilang komunidad.

Bahagi ito ng patuloy na programa ng pamahalaang panlalawigan na naglalayong matiyak ang pantay na oportunidad at maihatid ang mga serbisyong naaayon sa pangangailangan ng mga taong may kapansanan sa Pangasinan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments