48-M na halaga ng shabu, nakumpiska ng PDEA sa Parañaque City

Nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang abot sa ₱48-M na halaga ng shabu sa isang buy-bust operation sa Parañaque City.

Arestado ang tatlong katao na magkakapamilya.

Kinilala ang mga ito na sina:
1. Normina Nandang Egoy, 38 taong gulang
2. Alfredo Ogali Egoy, 48 taong gulang
3. Alvino Ogali Egoy, 47 taong gulang


Isinagawa ang operasyon sa bahay ng mga Egoy sa Camella Homes, Parañaque City.

Nakumpiska sa operasyon ang 7.2 kilos ng shabu, mga assorted drug paraphernalia, timbangan , mga cellphone, record notebooks, bank slips, mga financial document at sari-saring ATM bank cards.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa Art II, ng Republic Act 9165 o Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments