5 most wanted persons, nadakip ng CIDG

Arestado ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang 5 most wanted persons.

Ayon kay CIDG Director PMGen. Nicolas Torre III, nadakip ang mga ito sa manhunt operation sa Brgy. Nagbinlod, Sta. Catalina, Negros Oriental na pawang may mga kasong murder at attempted murder.

Ang mga suspek ay sangkot sa pagpatay at pagkasugat ng ilang biktima sa Bayawan City dahil sa away sa lupa.


Dahil sa pagkakaaresto sa mga suspek, umaasa si Torre na maihahatid na ang hustisya sa naulilang pamilya ng mga biktima.

Sinabi pa ni Torre na kanila pang palalakasin ang anti-criminality operations ngayong nalalapit na ang 2025 Midterm Elections alinsunod sa direktiba ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Rommel Francisco Marbil.

Facebook Comments