Thursday, June 25, 2026

Pagkuha ng prosekusyon kay Mary Grace Piattos bilang testigo, walang epekto sa depensa; Atty. Michael Poa, hindi tutol na ginawa siyang testigo ng prosecution team

Iginiit ng Defense team ni Vice President Sara Duterte na walang implikasyon sa kanila na isinama ng House Prosecution Team sa listahan ng mga testigo si Mary Grace Piattos.

Matatandaang ang pangalang Mary Grace Piattos ang nakalagay at nakalagda sa mga acknowledgement receipts at tumanggap ng confidential funds mula sa opisina ni VP Sara at noong ito ay Education Secretary pa.

Ayon kay defense team Spokesperson Atty. Michael Poa, wala naman itong epekto sa kanilang posisyon at ang pagpresenta ng prosecution panel kay Mary Grace Piattos ay prerogative ng kabilang panig.

Sinabi naman ni Poa na kung humarap si Mary Grace Piattos ay handa naman ang depensa na i-cross examine ito at ang iba pang testigo ng prosekusyon.

Wala ring problema kay Poa na inilista siya ng prosekusyon bilang witness.

Facebook Comments