50-ANYOS NA MAGSASAKA, ARESTADO SA BUY-BUST SA ILOCOS NORTE; MAHIGIT P21K HALAGA NG HINIHINALANG SHABU, NASAMSAM

Arestado ang isang 50-anyos na magsasaka matapos ang buy-bust operation sa Pinili, Ilocos Norte noong Setyembre 27, 2026, kung saan nasamsam ang 3.23 gramo ng hinihinalang shabu.

Isinagawa ang operasyon ng Pinili Municipal Police Station, Provincial Drug Enforcement Unit, Regional Intelligence Division ng PRO1, Provincial Intelligence Unit at Criminal Investigation and Detection Group ng Ilocos Norte Police Provincial Office, sa koordinasyon ng PDEA Regional Office 1.

Dalawang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu ang nakumpiska.

Tinatayang nagkakahalaga ang mga ito ng ₱21,964.

Nakuha rin ang buy-bust money, boodle money, plastic sachet, lighter at kaha ng sigarilyo.

Ang suspek, na residente ng Pinili, ay inaresto matapos ang operasyon at isinailalim sa kaukulang proseso para sa pagsasampa ng kaso. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments