Nakatanggap ng pagkain, hygiene kits at school supplies ang mga residente ng Sitio Tocok, Barangay Lucao sa isang community outreach activity noong Setyembre 26, 2026.
Pinangunahan ng City Mobile Force Company (CMFC) ng Dagupan City Police Office (DCPO) ang aktibidad kasama ang isang partner school at mga opisyal ng Barangay Lucao.
Batay sa ulat, alinsunod ang aktibidad sa Project I.N.A.R.O. o Inspiring Neighborhoods through Assistance and Responsive Outreach ng kapulisan.
Kabilang sa ibinigay ang merienda packs, food packs, hygiene kits at school bags para sa mga benepisyaryo mula sa partner school.
Bukod sa pamamahagi ng mga gamit at pagkain, nagkaroon din ng health activity para sa mga bata.
Samantala, isinagawa ang basic medical check-up at blood pressure monitoring para naman sa mga nakatatandang residente ng lugar.
Pinagsama sa aktibidad ang pamamahagi ng pagkain at pangunahing gamit, pagtuturo ng personal na kalinisan sa mga bata, at simpleng pagsusuri sa kalusugan ng mga nakatatanda sa komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










