
Nagbabala si Vice President Sara Duterte sa posibleng paggamit ng pamahalaan ng alokasyon sa Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) para sa panunuhol sa impeachment.
Sa ambush interview sa The Hague, The Netherlands, sinabi ni VP Sara na sa oras na gamitin ng gobyerno ang MOOE sa panunuhol sa mga kongresistang boboto pabor sa kaniyang impeachment, tiyak aniyang hindi na magfu-function ang gobyerno.
Kahapon, kinumpirma ni Vice President Sara Duterte na wala nang pera ang Pilipinas.
Aniya, sa katunayan ay nakatanggap na sila ng memo na nag-aatas sa kanila na i-compute na ang savings ng Office of the Vice President (OVP).
Nais aniya kasi malaman ng Budget Department kung magkano pa ang savings ng mga tanggapan ng gobyerno.
Facebook Comments










