Thursday, May 7, 2026

LIBRENG BONE SCREENING SA ALAMINOS, UMARANGKADA

Inaanyayahan ang publiko na makilahok sa libreng bone screening na gaganapin sa Sangguniang Panlungsod of Alaminos Building ngayong araw, Mayo 7, mula alas-9 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

Ang aktibidad ay inihahandog ng isang pribadong ahensya at ng Sangguniang Panlungsod ng Alaminos.

Layon ng programa na mabigyan ang mga kalahok ng libreng bone density screening upang matukoy ang panganib sa osteoporosis, gayundin ang pagbibigay ng kaalaman kung paano mapananatiling malusog at matibay ang mga buto.

Bukas ang aktibidad para sa mga edad 20 taong gulang pataas, at limitado na lamang sa 30 slots ang maaaring makapagparehistro.

Hinihikayat ang mga interesadong kalahok na samantalahin ang pagkakataong ito para sa maagang pagsusuri, na mahalaga sa pag-iwas sa fracture at iba pang komplikasyon sa kalusugan ng buto. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments