50 volcanic earthquakes, naitala ng PHIVOLCS sa nakalipas na 24 oras sa Bulkang Bulusan, Sorsogon

Inanunsyo ngayon ng Philippine Volcanology and Seismology o PHIVOLCS na nakapagtala ng 50 volcanic earthquakes ang ahensiya sa nakalipas na 24 oras sa Bulkang Bulusan, Sorsogon.

Ayon sa PHIVOLCS, nakapagtala rin ng 438 na tonelada ng asupre ang ibinuga na may taas na 100 metrong taas, malakas ang pagsingaw na napapadpad sa kanlurang – timog – kanluran at kanluran – hilagang – kanluran.

Paliwanag pa ng PHIVOLCS, may naoobserbahan pa rin na pamamaga ng lupa o ground deformation sa dalisdis ng bulkan.

Nanatili pa rin sa alert level 1 ang Bulkang Bulusan.

Patuloy ang babala ng PHIVOLCS at ng LGUs na iwasan ang anim na kilometrong radius mula sa crater na permanenteng danger zone.

Pinapahuyan din ang mga piloto ng sasakyang panghimpapawid na iwasan na lumipad malapit sa crater o bunganga ng Bulkan Bulusan sa naturang lalawigan.

Facebook Comments