
Magsasagawang muli ng libreng tuli para sa mga kabataan na magbabalik sa paaralan sa darating na pasukan.
Gaganapin sa Aguilar sports complex sa Las Piñas ngayong araw at sa Sabado ang naturang libreng tuli bilang bahagi ng programa ni Mayor April Aguilar.
Tiniyak ni City Health Office head Dr. Juliana Gonzales na mga lisensiyadong doktor at medical professionals ang magtutuli upang matiyak ang kaligtasan ng mga magpapatuli kasunod na rin ng kaso ng 10 taong gulang na bata na nasawi matapos nang operasyon.
Nagpasalamat naman si Mayor Aguilar sa health workers at volunteers na tumulong upang maging organisado at matiwasay ang naturang medical mission.
Facebook Comments