58 WANTED PERSONS, ARESTADO SA MANHUNT OPERATIONS NG PRO 1

Umabot sa 58 wanted persons ang naaresto ng Police Regional Office 1 (PRO 1) sa magkakahiwalay na manhunt operations na isinagawa sa buong Ilocos Region mula Hulyo 22 hanggang 28, 2026.

Ayon sa PRO 1, kabilang sa mga naaresto ang isang Regional Most Wanted Person, apat na Municipal Most Wanted Persons, at 53 iba pang indibidwal na may nakabinbing warrant of arrest. Naging matagumpay ang operasyon sa pamamagitan ng masusing intelligence gathering, case monitoring, at koordinadong pagkilos ng iba’t ibang yunit ng pulisya sa rehiyon.

Isinagawa ang mga operasyon bilang bahagi ng pinaigting na kampanya ng PRO 1 sa ilalim ng Enhanced A.L.E.R.T.O. Framework, na layuning mapabilis ang pag-aresto sa mga taong umiiwas sa pananagutan at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa buong Ilocos Region.

Binigyang-diin ni Police Brigadier General Jovencio S. Badua Jr., Regional Director ng PRO 1, na mahalagang bahagi ng pagpapatupad ng batas ang tuloy-tuloy na pagdakip sa mga wanted persons. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments