5th Infantry Division Philippine Army, Bumuo ng Bagong Batalyon

Cauayan City, Isabela- Nakabuo na ng bagong batalyon ang 5th Infantry Division, Philippine Army bilang karagdagang pwersa sa pangangampanya para sa kapayapaan at kaunlaran sa buong nasasakupan ng Dibisyon.

Ang 102nd Infantry Battalion na bagong hanay ng kasundaluhan ay pamumunuan ng itinalagang Commander na si LTC Lemuel Baduya.

Pinangunahan ni MGen. Laurence E Mina, Commanding General ng 5ID ang pagtatalaga kay LTC Baduya at pag-welcome sa mga bagong tropa ng nasabing batalyon kahapon, Pebrero 3, 2022.

Tutulong ang 102nd IB sa mga Local Government Units at iba pang ahensya ng gobyerno sa pagbibigay ng humanitarian assistance sa anumang klaseng sakuna o kalamidad at iba pang tulong na maaaring maibigay ng bagong batalyon.

Hinimok naman ni LTC Baduya ang mga bagong tropa na gawin lahat ang kanilang makakaya sa pagbibigay ng serbisyo sa publiko.

Gagamitin at ikokonsidera aniya ng 102nd IB ang mga β€œbest practices” ng ibang batalyon para mapangasiwaan ng maayos at epektibo ang kanilang pagtugon sa insurhensya at layunin para sa taong bayan.

Nagpasalamat naman si LTC Baduya kay MGen. Mina sa pagpili sa kanya para ipakita ang kanyang mga kakayahan at kaalaman sa pamumuno sa isang yunit para makamit ang minimithing kapayapaan at kaayusan sa komunidad.

Facebook Comments