Mahigit 100 OFWs mula Bahrain, buwenamanong nakauwi sa kanilang pamilya nang hindi na dumaan sa facility-based quarantine

Kabuuang 110 na Overseas Filipino Workers (OFWs) ang dumating kanina sa bansa sakay ng Gulf Air kung saan diretso silang nakauwi sa kanilang pamilya.

Sila ay sinundo mismo sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ng kanilang mga kamag-anak pagdating sa bansa.

Ang iba naman ay isinakay ng bus na naghintay sa arrival area sa NAIA para dalhin sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) kung saan sila sasakay ng bus pauwi sa kanilang mga probinsya.


Tuloy-tuloy rin ang pagdating sa NAIA 1 ng Returning Overseas Filipinos na naipit sa travel restrictions mula sa iba’t ibang bansa.

Facebook Comments